Narinig nyo na ba ang kasabihan na "Sa fairy tale lang may happy ending."
Sa mga fairy tale kalimitan ang mga bidang babae ay inaapi sa simula tapos sa bandang huli nahahanap nila ang mga "Prince Charming" nila at sasabihin ng narator na "and they live happily ever after".
Siguro marami sa atin ang nakakaranas ng sobrang problema parang na parang aping-api na tyo at nakakaranas ng pangungutya ng mga kontrabida sa ating buhay at pakiramdam natin ay bakit hinahayaan tyo ni God na mangyari sa atin ang ganun.
Pero hindi ba natin naiisip na part palang yun ng fairy tale natin na inaapi yung bida?
at kaya ba nangyayari sa atin yung mga ganung bagay ay yun ang magiging daan para dumating si Prince Charming (o ang Princess para sa atin mga bros. hehe) at sabihin ng narator na "and they lived ever after".
Parang "cause and effect" in a different way. Kapag may nangyari sayo na hindi maganda, ay may mangyayari na napakaganda dahil sa pangyayaring yun.
Share ko lng po yung story na nabasa ko.
May magkaibigan na isang Hari at isang Mangangaso(Hunter nlng para maigsi itype hehe). Ang magkaibigan na to ay every weekend ay magkasama lagi na nangangaso sa gubat.
Ang Hunter na to ay laging positive mag isip. kahit anung mangyari sa buhay nya masama man o mabuti ang lagi nyang sagot "this is good".
Nung dumating ang weekend ulet ay nagyaya ang Hari na sila ay mangaso ulit sa gubat.
"tara na!" sabi ng Hari "mangaso na tyo. Ihanda mo na ang gagamitin nating baril"
"Ok po. this is good!" sabi ng Hunter "magla-log-out lng ako sa faceboook saglit."
Sa sobrang pagmamadali nya at kakaisip kung anung status ang ipopost nya eh nagkamali sya sa pagsesetup ng baril ng Hari.
Nung time na papaputukin na ng Hari ang kanyang baril, nagmalfunction ito at aksidenteng pumutok sa hawakan (hindi ko na explain kung panung pumutok yung hawakan hindi ko rin alam eh. hehe) at dahil dun nauwi sa pagkaputol ng hinlalaki ng Hari.
Nakita ito ng Hunter at sinabing "this is good"
"Anung This is good ka pa jan" sabi ng Hari "naputol na ang daliri ko this is good pa?"
Sa sobrang galit ng Hari, pagkauwi ay tinawag nya ang mga alagad nya at ipinakulong ang Hunter.(yan kasi)
Lumipas ang ilang weekend at nakakulong pa rin ang Hunter, mag isa nlng pumupunta ng gubat ang hari para mangaso.
Isang araw sa pangangaso ng Hari sa gubat, may napuntahan sya sa isang bahagi ng gubat ng isang tribo ng mga CANNIBALS. Nahuli sya ng mga cannibals at dinala sa kanilang tribo.
Nang nasa tribo na. Habang sya ay inihahanda na para lutuin ay napansin ng kanilang lider na kulang sya ng hinlalaki. Dahil may pamahiin(o nabasa nila sa Fan page ng kanilang tribo) ay malas daw kapag kumain sila ng hindi kumpleto ang bahagi ng katawan.
Kaya't agad pinakawalan ang Hari at dali dali syang umuwi sa kanilang kastilyo. pagkauwi ay hinanap nya agad ang kaibigang Hunter sa kulungan at kanyang kinausap at kinuwento ang nangyari.
"alam mo bang muntik na ko kainin ng mga cannibals? " kwento ng hari. "pero dahil sa putol ang aking hinlalaki ay pinakawalan nila ako. Salamat sa pagkaputol nito nung nagkamali ka. Dahil jan patawad kung pinakulong kita."
"ok lng. That is good" sabi ng Hunter.
"good pa rin?? pinakulong na nga kita good pa rin??"
" eh kasi kung hindi mo ko pinakulong baka kasama mo ko nung araw na makuha ka ng mga cannibals at ako yung makakain"
............
Sa story na to. parehong may nangyari na hindi maganda sa knila.
At dahil sa hindi magandang pangyayari na yun, bandang huli ay yun pa yung naging dahilan para may mangyaring maganda sa knila.
pareho silang nakatakas sa kaldero ng mga cannibals.
kadalasan may nangyayari sa ating buhay na hindi maganda.
May nangyayari sa atin na mga aksidente o mga pagsubok na akala natin ay aping api na tyo.
Minsan nasisisi pa natin ang Dyos na kung bakit nangyayayari sa atin to at kakantahin ang "natutulog ba ang Diyos"
Kung iisipin natin baka part lang ang mga problema natin para may mangyari sa atin na napakaganda.
Kaya ka iniwan ng bf o gf mo ay baka may dadating na para sayo talaga.
Kaya ka natanggal sa trabaho dahil sa redundancy ay para makapag-apply ka sa ibang kumpanya na may mas mataas nasahod.
O kaya ka di makalog-in sa facebook dahil para makapagtrabaho k naman ng maayos. hehe
share ko lng ulet about sa akin.
Kung hindi ako naaksidente nun sa motor ay hindi ako mapapapayag na sumali sa SFC.
at kung hindi ako sumali sa SFC ay malamang sa malamang ay gahaman pa rin ako sa alak ngaun. hehehe
God saw all that he had made, and it was very good. -Genesis 1:31
Kapag binasa natin ang Genesis, mapapansin natin na sa bawat ginawa Nya sinasabi nya lagi na "it was good". meaning tapos na nya gawin.
Siguro ay hindi pa tapos si God sa atin at patuloy pa nya tayo mino-mold, inaayos, at mas lalong pinapaganda.
Parang bakal na pinapanday,dinadarang sa apoy at magiging isang excalibur.
kaya Nya siguro tayo binibigyan ng ganung trials ay para maprepare tyo sa ibibigay nya na napakaganda para sa atin...
He has made all things good in their time -Ecclesiastes 3:11
:)
tnx nd GOD BLESS.
No comments:
Post a Comment