Surrender.
Kung mapapansin nyo yung mga last post ko. i talked about courage, hoping for a happy ending and overcoming ur weaknes.
Pero bakit ngaun surrender na agad??
kpag narinig natin ang salitang surrender pumapasok na agad sa isip natin ang mga katagang:
Talo
Weak
ayaw na
Hindi kaya
Adbot
Pero syempre naiisip din naman natin na hindi lang naman puro negative ang naipapahiwatig ng pag surrender.
May nabasa nga akong Status sa FB "kapag nag surrender ba ayaw na agad, d ba pwede nagpapahinga lang muna"
Share ko lang about yung homily last monday. sabi ni father " ang pag surrender ay d nangangahulugan na ayaw mo na at titigil k na. It is about taking the humility na hindi mo kaya ng mag isa, na hindi mo kaya na walang tulong ni God. Minsan naman ang pag surrender ay ang pagpapaubaya kay God sa mga gusto nyang mangyari sayo."
It is true na may mga pangyayari na hindi na natin kaya pero patuloy pa rin tayo.
Minsan akala natin kaya pa natin kaya hindi tayo sumusuko. pinipipilitan pa rin natin ang isang bagay na hindi naman talaga plano ni God para sayo.
Isang story nalang. hehe (d nawalan ng storya)
Sa MRT. May isang babae at lalake na hindi magkakilala ang nakakapit sa isang pole habang umaandar ang train. nakatingin ang lalake sa babae na ikinairita nito. nang dumating ang station kung saan bababa na ang lalaki,
sabi nya sa babae " bababa na ko dito."
."eh di bumaba ka" pasupladang sagot ng babae.
"pwede mo n ba bitawan ung pole? binili ko kasi to para pagsabitan ng curtain ko sa shower." sabi ng lalake.
..........
Tulad ng babae akala natin nakakapit tayo sa isang bagay o reason para masabing hindi tayo tutumba habang umaandar ang train.
may mga pinanghahawakan tayo na hindi naman pala tayo dapat doon nakakapit.
pride. fear. confussion.
ito ang kadalasan na pumipigil para hindi tayo sumuko at ipaubaya kay God ang mga hindi na natin kaya.
pero kung bibitawan natin ang ating pride at aminin sa ating sarili na hindi na natin kaya at ipaubaya kay God ang ating buhay. Nkasisigurado ako na may mas maganda syang magagawa para sa atin.
" For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. - Jeremiah 29:11
alisin natin ang pride at palitan ito ng obedience.
Alisin natin ang fear at palitan ito ng trust.
Alisin natin ang confussion at palitan ito ng faith na ang lahat ng plano ni God para sayo ay para sa ikabubuti mo.
Surrender your life to God
"Surrendered people are the ones God's uses"
GOD BLESS!
:)
No comments:
Post a Comment