Monday, October 24, 2011

:)

para mapabilis ang sharing sa at meeting after CLP. naisip ko na dito nlng ako mag kwento. hehehe.


Umpisahan ko sa kwentong naishare sakin nung nakaraan.


Isang araw may isang lalaki na walang trabaho ang nag apply bilang janitor sa isang kumpanya. at ilang sandali pa ay sinabi ng HR...


"your hired, kailangan ko lng ng email mo para dun ipadala ang fifill-up-an mo ng iyong kontrata at iba mo pang details."


"sori po Ma'am wala po kasi akong email, hindi rin po ako marunong gumamit ng computer" sabi ng lalaki


"then I'm sori din,kung wala kang email that means yuo dont exist. someone who dont exist ay d nakakakuha ng trabaho." sabi ng HR

Then lumabas na ng kwarto ang lalaki na punong puno ng panghihinayang.


Naisip nya ang anak na naghihintay sa bahay. magugutom ang anak nya sa mga susunod na araw kapag wala syang makukuhang trabaho. Meron lang syang P300 at yun nlng ang natitirang pera nya kaya nagdecide sya na kailangan may gawin sya.


Pumunta sya ng palengke at bumili ng isang kahon na kamatis. pagkatapos ay inilako nya ito sa bahay- bahay. makalipas ang ilang oras nabenta nya lahat at dumoble ang kanyang pera ng P600.

Inulit nya ang ganitong gawain ng tatlo pang beses sa loob ng araw na yon. matapos ang araw na yon nakapag uwi sya ng P2400 nang araw ding yon.


"PWEEEEDEE!!!" sabi nya "makakasurvive kami sa ganito!"


Then the next day gumawa sya ng kariton.

after a year bumili sya ng truckthen a couple of years later meron na syang isang kumpanya na nagdedeliver at nag susupply ng mga kamatis sa mga palengke at supermarket.


Then at that time, may lumapit sa kanya na kaibigan na nagbebenta ng life insurance.

habang nagfifill-up ng form ng insurance. hiningan sya ng email address nito.


"wala akong email eh" sabi nya.


"WAAAW! wala kang email?? and yet naging ganito ka ka successful. can you imagine kapag nagkaroon k pa ng email nuon pa!"


Then napaisip ang lalaki at sabay napangiti "malamang Janitor ako ngaun"


......


ang kawalan ba ng eamil ang naging weakness nya?

ang kawalan ba ng email ang naging handicap nya?

ang kawalan b ng email ang pumigil sa kanya para hindi na magtrabaho?

nang dahil sa wala syang email nareject sya. at ang rejection na yun ay nagsilbing redirection.


Eh ano ngaun kung wala akong email? katapusan n b ng mundo?

eh ano kung wala akong alam? hindi na ba ako pwede mag share sa sharing?

eh anu kung wala akong pera? hindi na ba ako pwede mag share sa mas nangangailangan?

eh anu ngaun kung hindi ako makalakad? hindi n b ako pwdeng mag serve?

eh anu ngaun kung hindi ako marunong magsalita sa harap? Hindi na ba ako pwede maging speaker?


dont be too hard on yourself. Marami k pang pwedeng ibang gawin. magugulat k nlng kung ang weakness mo na hinaharap ngaun ay nagsisilbing strenght ng iba.


Here is another story.


may magkaibigan na jose at wally. ang trabaho ng dalawang bata ay magigib ng tubig at irasyon sa bahay bahay.


isang araw nagkabutas ang timba ni jose. bago pa sya makarating sa rarasyonan nya ng tubig kalahati nlng ang laman ng timba nya dahil tumutulo ito sa kanyang dinaraanan. wala syang pera pambili ng bagong timba kaya ginamit p rin nya ito sa mga sumunod na araw.

at dahil butas nga ang timba. kailangan doblehin nya ang pabalik balik sa kuhaan ng tubig. kung si wally ay nakaka 10 balik lang, si jose ay


nakaka 20.


isang araw napansin ni wally na masaya pa rin si jose sa kabila ng sobrang hirap ng pabalik balik.


"bakit masaya k pa? butas na nga ang timba mo wala ka pang pambili tatawa tawa k p jan."


"tignan mo yung dinadaanan ko. anung nakikita mo?" sabi ni jose


then nakita ni wally na may nakahilera na magagandang bulaklak sa gilid ng dinaraanan ni jose.


"nagtanim ako ng binhi( ang lalim noh) sa daan.at dahil alam kong butas ang timba ko nadidiligan ko sila habang dumaraan ako. mamaya pipitasin ko na sila at ibebenta ko para mag dagdag income. :)"


......


bakt masaya si jose?

dahil nakahanap sya ng paraan para magamit ung weakness nya.


nagamit nya ang weakness nya para may pagkuhaan ng dagdag income.

siguro marami ka rin weakness. pero ginagamit mo ba ang weakness mo para iangat ang sarili mo o mas lalo pang hamakin ang sarili mo?

marahil marami silang nasasabing mali syo sayo. pero ginagamit mo ba yun para mas lalong icorrect ang sarili mo o sabihin mo sa sarili mo na " oo nga noh? ganun siguro talaga ako."


share ko lng din yung sabi ni Bro Bo.

there are two kinds of guilt.


Demonizing Guilt

Detoxifying Guilt


The first guilt demonizes you. When you sin, demonizing guilt says, “You’re bad. There’s nothing good in you.”

The second guilt detoxifies you. It separates the sin from the sinner. When you sin, detoxifying guilt says, “This isn’t you. You’re better than this. Stand up. Move on!”


Demonizing guilt depresses you. It pushes you to sin even more. It’s the guilt of the addict.

Detoxifying guilt lifts you up. It pushes you to become who you really are.


My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness. (2 Corinthians 12:9)


Lord, thank you that my problems are growth opportunities. I believe that all things will work for good to those who love You. I believe that what was intended for my harm, you will transform and turn it into my good.


GOD BLESS.

No comments:

Post a Comment