Unang una. hindi ko alam kung akma ba yung title ko sa doc na to hehehe.
Naisip ko lang gumawa ng doc na to dahil nainspire ako sa talk ni kuya ike nung nakaraang GMT natin. :)
God will use us if we say YES.
Tinamaan talaga ako sa statement na to. pero tanong ko sa sarili ko, bakit minsan hindi ako agad nag say YES sa Kanya.
Siguro ay kulang ako sa courage o natatakot pa ko kapag nag say yes ako.
Short info about myself. "I DONT LIKE RESPONSIBILITIES."
Tamad ako maghugas ng pinggan.
Tamad ako maglinis.
Nung nagaaral pa ko ayoko maging lider ng grup sa reporting.
Natatakot ako na ako ang pagbabalingan kapag may nagawa mali.
Natatakot ako baka isipin nila nagbibidabidahan ako.
at higit sa lahat, AYOKO NG MAY GINAGAWA AKO hehehehehe.
Pero nabago ang lahat ng nasali ako dito sa SFC. Ang dami nila na nila inassign sakin. ang dami na nilang pinagawa sakin. (hindi po ako nagrereklamo huh hehehe)
Nagabago ang lahat when i say YES.
May nagbago nung nag say YES ako para sumali sa SFC.
May nagbago nung nag say YES ako para maging facilitator.
may nagbago nung nag say yes ako para maging music min head.
may nagbago nung nagsay yes ako para mag Team head/ hh head.
Although may konting nagbago pero atleast nagbago hehehe.
Pero bakit minsan hindi pa rin agad ako sumasagot ng yes sa Kanya.
Siguro ay kulang pa ko sa courage.
Iniisip ko na hindi pa ako nag grow spiritually(sa height konti lang).
Let me tell you a story ulet about this elephant. :) (english! hehe)
Isang araw pagkatapos ng isang palabas sa circus. nakita lng ng lalaki na tinali ng trainor ang elepante sa isang paa gamit lamang ang isang manipis na lubid sa kahoy na naktusok lamang sa lupa.(explain na explain ba?)
Natakot ang lalaking nakakita at baka makatakas ang napakalaking elepante sa ganung pagkakatali lang. dahil baka sa sobrang laki at lakas nito ay isang hilahan lng y baka mapigtal na at tuluyang makawala ang elepante.
kaya nagmamadaling tinanong nya ang trainor. "Brad bakit ganyan nyo lang itali ang alaga nyo baka makatakas yan."
"pakialamero ka!" sabi ng trainor. (joke lang hindi nya talaga sinabi to).
"Ganito kasi yan" sabi ng trainor.(totoo na to) "nung bata palang ang elepanteng yan eh tinatali na namin sya sa taling nakikita mo ngaun. Syempre bata plng sya, hindi sya mkakatakas jan. kaya tumatak sa isip nya hanggang paglaki nya na hindi sya makakatakas sa ganyang pagkakatali."
"aaaah ok" sabi ng lalaki.
.........
marahil gaya ng elepante. may nakasanayan ako.
Nakasanayan ko kasi na wala akong ginagawa.
Nakasanayan ko na may gagawa naman nyan para sakin.
Nakasanayan ko ang pagiging tamad.
Tulad ng elepante, nasanay tyo sa mga dati nating gawain
Nasanay tayo sa mga kanya kanya nating mga dahilan.
Nasanay tyo sa tali (mga bisyo o maling gawain) na nagsisilbing dahilan para makaramdam tyo ng unworthiness para hindi makapag served.
akala natin hanggang dun nlng tyo.
hindi ako pwede jan dahil ganito ako.
hindi ako bagay sa ganyang service dahil ganito ako.
nakatali tayo sa akala natin hindi natin kayang pakawalan ang ating mga sarili.
Pero dahil nasa SFC na tyo.
Meron tyong mga household meetings, mga teachings, 1 to 1's, conferences at kung anu anu pang assembly na nakakatulong para tayo ay mag grow spiritually.
salamat sa mga teachings at assmbly na ganito dahil alam natin sa ating mga sarili na marami na tyo natutunan.
Pero bakit sa kabila nito takot parin ako mag take ng responsibility.
Siguro ay gaya ng elepante, sa kabila ng inilaki nya eh nasa isip nya na hindi nya magagawang tumakas.
marahil nasa isip lang natin na hindi natin magagawa ng maayos dahil hindi pa tayo tuluyang nakakatakas sa mga hindrances natin gaya ng bisyo at feeling unworthiness.
siguro nga ay naiisip lang natin na hindi natin kaya.
dahil jan meron pa akong isang kwento.
May isang babae na malapit nang mamatay ang humiling sa kanyang asawa sa huling pagkakataon.
"Mahal" sabi ng babae. "ipangako mo sakin na hinding hindi k na mag aasawa pagkamatay ko. dahil pag nag asawa ka. dadalawin kita sa oras ng magdecide ka magpakasal ulet."
"oo pangako" sagot ng asawa.
Then later on namatay ang babae. :(
Nung unang dalawang taon nagawa nang lalaki na tumupad sa pangako. pero d nagtagal eh nakakilala sya nang isang babae. d nagtagal ay nainlab sya dito, niligawan, naging mag on at di nagtagal ay nagdecide magpakasal.
Ipinaalala ng dating asawa ang pangako at kasabay nun ay sinabi rin kung anu ang mga iniregalo nya sa bagong mpapang asawa, kung saan sila nagpupunta, at iba pang detalye sa Fiancee nya.
nung sumunod na gabi ay dinalaw nanaman sya ng multo at sinabi kung saan sila nagpupunta ng Fiancee nya pati na rin ang mga niregalo nya nung araw na yun.
ganun din ang nangyari sa mga sumunod na gabi.
Isang araw sa sobrang takot nya ay kumausap na sya ng isang pari para isanguni(ayos noh? hehe) ang nangyayaring pagdalaw sa kanya.
"father, anu po ang gagawin ko" sabi ng lalaki "gabi gabi na po ako dinadalaw ng dati kong asawa at alam nya lahat ng ginagwa namin ng mapapang asawa ko sa araw na yun, pati na rin ang inireregalo ko sa kanya"
"Ganito ang gawin mo." sabi ng pari "dumukot ka ng isang dakot na bigas mamayang gabi at sa oras na dalawin ka ulit itago mo sa likod ang isang dakot mong bigas at isipin na ibibgay mo ito sa Fiancee mo" paliwanag ng pari. " pagkatapos ay tanungin mo ang multo kung ilang butil ng bigas ang nasa kamay mo. kapag hindi nya nasagot isa lamang syang kathang isip mo. pagkatapos ay ipagdasal mo ang iyong dating asawa"
"salamat po Father"
Kinagabihan, ginawa nya ang payo ng pari d nagtagal ay dinalaw na sya ng multo.
"alam ko kungsan ka pumunta kanina at alam ko rin na pumunta ka sa isang pari. at alam ko rin na ibibigay mo ang hawak mo na yan sa mapapangasawa mo" sabi ng multo
"kung talagang alam mo lahat ng ginagawa ko. Ilang butil ng bigas ang nasa kamay ko na ibibigay ko sa mapapangasawa ko?"
nung gabi ring yon ay nawala ang multo.
........
gaya ng istoryang to marahil nga ay nasa isip lang din natin ang takot.
nakagawa tyo sa isip natin ng isang multo para matakot
nasa isip lng natin ang feeling ng unworthiness.
nasa isip lng natin na hindi natin kaya.
Nakagawa tyo ng multo sa isip natin na kapag lumabas tayo sa comfort zone natin ay wala naman din tayo magagawa.
Nasanay na tyo sa ating comfort zone.
Wag tayo mag focus sa hindi natin kayang gawin. mag focus tayo sa kung ano ang kaya nating gawin. manghihina tayo pag inisip nating hindi natin kaya, pero napansin nyo ba na mas lumalakas loob natin pag sinabi nating KAYA KO TO!
God is saying "“Don’t be afraid. I am filling your heart with courage. I will be with you. I will never forsake you.”
Move into your courage zone.
hope this wil help.
tnx nd GOD BLESS.
:)
No comments:
Post a Comment