Wednesday, October 13, 2010

Parada ng Maskara....

......
..........
...
..
wag kang paloko sa'kin
wag kang paloko sa mukha na suot ko ngaun.
dahil ang suot ko'y maskara, libo-libong maskara
mga maskarang kinakatakutan kong alisin
dahil wala dito ang sarili ko.

ang pagpapanggap ay natural na sa akin
kaya pakiusap ko sa'yo wag kang paloko, wag kang paloko sa'kin

wag ka maniwala..... pakiusap.
marahil ang nakikita mo ngayon ay ay ang tunay kong mukha,
ngunit ang nakikita mo ay maskara. sa likod nito ay ang malalim na ako,
na laging mali at takot mag isa.

itinago ko ito....
hindi ko gustong may makaalam nito....
hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nakaalam nito...
takot akong magpakatotoo.
dahil dyan nakalikha ako ng maskarang pwedeng itago ang tunay kong sarili,
na walang pagpapahalaga sa iba.
mga maskarang tutulungan akong magpanggap, na ipanananggalang ko sa biglang tingin.

.....
...

at ang sulyap na ito ang makakapagligtas sa akin.
ang natatangi kong pag-asa, at alam ko ito.
ITO AY KAPAG ISINUNOD MO ANG PAGTANGGAP, KASUNOD NITO AY PAGMAMAHAL.

ito ang paraan para makawala ako sa sarili ko.
sa mga rehas na kulungan na kinalalagyan ko ngayon.
sa mga rehas nahindi ko kayang makakawala.
ito lang ang paraan na makakasiguro ako na ako ay mahalaga.

pero ..... takot ako.....
takot ako na ang pagpansin mo sa akin ay hindi mo ako tanggapin,
at mahalin bilang ako.
takot ako na baka maliitin mo ako
TAWANAN AKO NA ANG PAGTAWA MO ANG PUMAPATAY SA AKIN.

ito ang dahilan kung kaya sinubukan kong magpanggap
itinago ang tunay na ako.
ito ang simula ng parada ng mga maskara,
mga maskarang itinago ang tunay na ako.
kaya ko sinubukang makibagay sa inyo.
sinabi ko lahat na akala nyo ay totoo
pero ang lahat ng iyon ay kathang isip ko lamang
wala isa man ay totoo.

kaya kapag ginagawa ko nanaman ang lagi kong ginagawa,
at nag kukuwento ng lagi kong kinukwento.
pakiusap... pakinggan mong mabuti ang ang lahat ng hindi ko sinasabi.
lahat ng gusto kong sabihin ngunit hindi ko ito masabi.

ayoko nang magpanggap
ayoko nang manloko at lokohin ang sarili ko.
gusto kong maging totoo, maging malaya sa sarili ko.
at maging tunay na ako.

PERO KAILANGAN KO ANG TULONG MO........