Hindi ko alam kung bakit ko naisipan na gumawa ng BLOG dahil tamad talaga ako magsulat, buti nalang ay may keyboard pala ang computer at hindi na ko magsusulat bagkus ay magtatype pala hehe . Siguro rin ay dahil nanghihinayang ako sa ibinabayad ko buwan-buwan sa internet service na ginagamit ko na para dapat ay makapaglaro ako ng online-games na hindi ko masyado naenjoy dahil nadidisconnect.. Siguro na rin ay dahil sa sobrang dami ko nang naiisip na kwento o komento sa ibat ibang bagay na dapat kong ishare at hindi ko alam kung may kwenta sa inyo.
Lahat tayo ay may mga komento o pananaw sa isang bagay (hindi ko lng alam ung mga baliw sa mental kung meron, try mo nga tanong.) , karamihan sa atin idinadaan ang knilang komento sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kalsada, opisina, eskuwelahan, ospital o maging sa simbahan, komento sa mga taong nakakasalamuha na may halong paninira, inggit at syempre meron din naman pampuri. Ito ang tinatawag nating tsismis.
Lahat tayo ay may mga komento o pananaw sa isang bagay (hindi ko lng alam ung mga baliw sa mental kung meron, try mo nga tanong.) , karamihan sa atin idinadaan ang knilang komento sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kalsada, opisina, eskuwelahan, ospital o maging sa simbahan, komento sa mga taong nakakasalamuha na may halong paninira, inggit at syempre meron din naman pampuri. Ito ang tinatawag nating tsismis.
MANANG1 : alam mo bang nkita ko yung asawa ni Bebang na may kausap na seksing batang babae sa kanto?!
MANANG2 : nakup! hindi kaya kabit nya un!
MANANG3 : Hindi naman siguro, baka nagtatanong lng ng direksyon.
MANANG2 : kabit nya un dahil gabi n lagi umuwi ang asawa ni Bebang eh.
(hanggang sa lumalim na ang usapan na nauwi sa hiwalayan ng mag asawa dahil sa tsismis na nagsimula sa seksing babaeng nagtanong lamang ng direksyon sa isang lalaking minalas malas dahil napag diskitahang pagtsismisan.)
Marami sa atin ang nanghuhusga agad sa mga nkikita sa mga taong nasa paligid natin at ipagkakalat ang nabuong kwento sa isip sa mga taong walang ring magawa sa buhay na ang
HOBBY ata ay ang pagkwentuhan ang buhay ng ibang tao.
Napansin nyo ba na karaniwang mga nagtsitsismisan ay mga babae, misis, matandang dalaga at maging ang mga pesteng daga nyo sa bahay ( ang huling nabanggit ay pang epal lng). Hindi ko alam kung sino ang inventor o kung saan nagsimula ang tsismisan, pero isa lng ang napansin ko...... karamihan ay babae. (piz gurls!!)
Kung lumalabas kayo ng kalye hindi mawawala ang grupo ng mga nanay na nagkukwentuhan sa kalsada, kapag breaktym sa skul hindi rin mawawala ang grupo ng mga estudyanteng babae na pinagtsitsismisan ang luvlyf ng iba (isama na rin natin ang mga titser sa faculty na pinagtsitsismisan kung bakit wala pang asawa ang kasamahan nilang titser), at maging pagkatapos ng misa sa simbahan kating-kating ikwento sa nakasalubong sa KUMARE nya na nakita nya ung kapitbahay nila may kasamang ibang babae. Maging sa pelikula at TV ay ang kadalasang nag tsitsismisan ay mga babae. ETO MALUPET!! Hindi ba't ginawan pa ng series sa TV sa Amerika na ang pamagat ay.....
GOSSIP GIRL. girl - babae
Hindi ko po nabanggit na babae LAMANG ang nagtsitsismisan, kaming mga lalake rin. At hindi tsismisan ang tawag dun.... KWENTUHAN. pambabae kasi ang tsismisan.
MANONG1 : Pare! May IKUKWENTO pla ako sayo.. alam mo bang nanlalake pala ung asawa ni TOTOY?
MANONG2 : Ows. Talaga? baka KWENTONG barbero lang yan?
Hanggang d2 nlng muna ang pasimula ng kalokohan ko dahil inaantok na ko... Hindi ko na itatanong kung nagustuhan nyo o hindi ang mga nasabi ko sa d2. HEHEHE... piz